TRO Vs. sa Pambansang Photobomber ng Pilipinas

image

Sa wakas ay inilabas na din ang Temporary Restraining Order laban sa ‘Pambansang Photobomber’ na nasa likuran ng ating Pambansang Bayani na si Gat. Jose Rizal. Noong nakaraang araw, nanood ako ng pang-umagang balita na ipinapalabas sa isang istasyon ng tv. Sa isang segment nito ay pinag usapan ang paglalabas ng Supreme Court ng TRO nga nito. Natatawa ako sa mga saloobing ipinarating ng mga kababayan natin sa segment na iyon. May ilan na nagsasabi na dapat hindi na itigil dahil malapit ng matapos ang Torre De Manila, at may ilan namang nagsasabi na dapat itigil at idemolished dahil nga nakakasira ito sa view ng monumento ni Rizal. Sinabi ni Vice Mayor Isko Moreno sa interview na ang dating administrasyon ang naglabas ng permit para condominium. Ang ibig sabihin noong 2012 pa nga ito naaprubahan, pero bakit ngayon lang nalabas ang TRO ang SC? At sinabi pa ng bise alkalde na ang nakalagay sa papeles ay hanggang pitong palapag lang dapat ang taas ng building. Pero ilang palapag ang ginagawa o nagawa sa Torre De Manila? Mahigit 49 floors? Aba! Nakakatawa talaga! Sabi nga ni Ka Tunying, pwede pa namang gibain ang 42 floor. Hay grabe talaga!

Noong isang gabi naman, nanood ako ng balita (hahaha! Mahilig talaga akong manood ng balita), sabi dito ay may mga unit na naibenta na. Pero sabi nasasabi namang sa batas na pwede naman irefund ang naipagbili o nahulugan ng unit. At bibigyan ng sampung araw ang may ari ng Torre de Manila na makapagpaliwanag. Iyan ang dapat nating hintayin ngayon, kung ano ang ilalabas na paliwanag ng kampo ng may-ari ng condo.

At eto pa, nagtuturuan ngayon ng masisisi ang gobyerno ng Maynila. Sinabi ng dating alkalde nito na wala syang kinalaman sa pagbibigay ng kaukulang permit sa nasabing condo. Eh sino ang nagbigay? Ako? O baka sisihin nyo naman si PNoy? Hahaha! Nagbibiro lang.
Ang sa akin lang, bakit parang panandaliang nasawalambahala ang inihain na kaso ng NCCA laban sa Torre de Manila at ngayon lang nalabas ang TRO laban dito?
At iyong nasabi ko na may ibang sang ayon na ituloy nalang ang pagtapos ng gusali, ay mga kababayan! Gumising po tayo! Baka kapag nabuhay si Rizal ay kalabitin tayo at sabihing “Respeto naman sa tanawin ng monumento ko oh. Sige naman na ho.”

Sa ibang bansa nga ay nirerespeto nila ang mga monumento at iba pang historical sites nila. Kapag may lumabag ay kaagad napaparusahan o nabibigyan ng katarungan. Dahil alam nila ang mga historical sites na ito ay bahagi ng kasaysayan at ng atin din pagkatao. Siguro ay para sa iba, isa na lamang itong bahagi ng ating nakaraan. Pero kung walang nakaraan ay di tayo malalagay kung nasaan tayo ngayon sa kasalukuyan. Sa kaso ng pagiging photobomber ng condo sa view ni Rizal, dapat ay wag nating dumihan ang tanawin ng monumento, sa respeto na din ng namayapang bayani ng ating bansa. Tandaan natin, ipinaglaban ni Rizal ang ating kalayaan. Kung hindi tayo malaya ngayon ay matatayo kaya ang Torre De Manila na iyon? Ika nga nila ay ito na lang ang iregalo natin sa kaarawan ni Gat. Jose Rizal ngayong Hunyo 19. Sa maliit na bagay na ito ay siguradong kanyang ikakatuwa. Intiendes? 😉

AetherNebula♥

New Themes: Snaps and Gateway

The WordPress.com Blog

On this Theme Thursday, I’m happy to introduce two new free themes.

Snaps

snaps-landing-portfolio

Snaps, by Graph Paper Press, is a portfolio theme designed to showcase portrait-oriented photographs, illustrations, and other works of art. The simple, elegant design keeps the focus on your projects, and scales to fit any screen size.

snaps-responsive-trio

Read more about Snaps on the Theme Showcase, or activate it on your site from Appearance → Themes!

Gateway

Gateway WordPress Theme

Gateway, by Rescue Themes, is the perfect mix of class and elegance, a traditional yet customizable home for your content. Reinforce your brand with a site logo, add a bold header image and call to action, and showcase your best posts or a video with a special Homepage template.

Gateway has a responsive design

Check out Gateway on the Theme Showcase, or activate it on your site from Appearance → Themes!

View original post

Commercial sa TV, Poster sa Daan. Kapag nahalal, KICK BACK ang labas!

Commercial sa TV, Poster sa Daan. Kapag nahalal, KICK BACK ang labas!

Bakit tuwing nalalapit ang eleksyon  naglalabasan ang mga commercial ads sa TV, sa lansangan at kung saan saan. Kailangan ba talagang ipaglandakan nila sa maraming tao ang mga nagawa nila? Kailangan ba talaga nilang gumastos ng pagkalaki-laking pera para sa mga advertisement? para pambayad sa artista na aarkilahin nila? Nakakairita sa totoo lang, pinamumukha nila sa maraming tao ang mga nagawa nila noong nakaupo sila sa pwesto nila sa gobyerno. Tapos kapag nahalal na sila ang galing magtago ng kickback? Paaano di kikickback? Napakalaki ng ginastos sa commercial. Hay nako! Ang buhay pulitika nga naman. Di na lang nila hayaan ang tao na makakita ng mga ginagawa nila. Tsk Tsk Tsk Ang buhay talaga napapaikot ng pera. Hahaha! ^_^v