Commercial sa TV, Poster sa Daan. Kapag nahalal, KICK BACK ang labas!

Commercial sa TV, Poster sa Daan. Kapag nahalal, KICK BACK ang labas!

Bakit tuwing nalalapit ang eleksyon  naglalabasan ang mga commercial ads sa TV, sa lansangan at kung saan saan. Kailangan ba talagang ipaglandakan nila sa maraming tao ang mga nagawa nila? Kailangan ba talaga nilang gumastos ng pagkalaki-laking pera para sa mga advertisement? para pambayad sa artista na aarkilahin nila? Nakakairita sa totoo lang, pinamumukha nila sa maraming tao ang mga nagawa nila noong nakaupo sila sa pwesto nila sa gobyerno. Tapos kapag nahalal na sila ang galing magtago ng kickback? Paaano di kikickback? Napakalaki ng ginastos sa commercial. Hay nako! Ang buhay pulitika nga naman. Di na lang nila hayaan ang tao na makakita ng mga ginagawa nila. Tsk Tsk Tsk Ang buhay talaga napapaikot ng pera. Hahaha! ^_^v